And no people, this is not related to my previous post hehehe.
Kagabi, may kaibigan akong humingi ng tulong. Kailangan ng magdodonate ng dugo para sa kanyang pamangkin. Hindi naman daw kelangan ng specific blood type, at bilang hindi ko na first time ito, naisip kong magvolunteer. Kesehodang hindi ko pa mapapanood ang Miss Universe 2009. Ok lang, may nagsabi kasi sa akin na may replay sa linggo sa kapamilya network. But that is another story.
So nagpunta ako, kasama ang dalawa pa naming kaibigan. Perstaym kong tinahak ang daan papuntang sta mesa dahil dun ang ospital.
Pagdating dun, derecho sa blood bank para kumuha kaagad ng screening. Hanggang alas-diyes lang kasi ang screening at babalik kinabukasan kung pinalad kang pumasa sa screening. Binigyan kami ng form na susulatan ng impormasyong kelangan nila.
Tumambling ako sa ilang mga katanungang nabasa sa form. Ilan sa kanila ay:
> have you engaged in homosexual activity?
> do you have a partner who is using prohibited drugs? Intravenous drug? Or any illegal drug (oral, inhaled, or injected)
> have you ever had sexual contact with a bisexual? Or someone from the east coast of Africa, or anywhere in that country?
Sumambulat sa ngangabu ko ang katagang "DISCRIMINASYON" habang sinasagutan ang bawat tanong. Ok fine, siguro nga kelangan nilang malaman ang mga bagay na ito dahil sapagkat because malaki ang probability na may HIV ang isang taong ang sagot ay "yes" sa mga nabanggit na tanong. Pero ang akin lang, kelangan ba talagang isama dito ang homosexuality/bisexuality? Sa pagkakaalam ko kasi, pareho lang ang chance na makakuha ng HIV ang heterosexual, homosexual, bisexual, transgender, metrosexual, closet, at anything in between ng mga nabanggit na sexual preference. Tingin ko tuloy, may diskriminasyong nagaganap sa pagdodonate ng dugo. Paano kung nag yes ako sa homosexual activity? Ibig sabihin ba nito ay hindi na ako maaaring magbigay ng berde kong dugo sa mga taong pula ang dugo ever since the world began?
Naisip kong huwag nang magtuloy sa aking act of charity. Pero naisip ko ang pamangkin ng kaibigan ko. Ako lang kasi sa apat na nagpascreen ang pumasa with flying colors. Kawawa naman kung pati ako e hindi pa nagtuloy.
Ayun. And ending ko tuloy, nagpakuha na ako ng sample at bumalik ako kinabukasan. Nabawasan na ako ng 500cc ng dugo. Sinulyapan ko saglit ang dahilan kung bakit ko hinayaang turukan ako ng malaking karayom sa braso. At dun ko narealize, I did a good thing. And world peace. Thank you. Bow.
Hay, gusto ko nang mapanood ang replay ng Miss Universe. Kahit na alam kong Venezuelan nanaman ang nanalo, at si Ms China ang nakasungkit ng Miss Congeniality, at si Ms Thailand si Miss Photogenic :)
4 comments:
dapat you questioned the admin and tell them that you are going to report them. Lol!
@zephyr, ayoko namang gawin yun. nagets ko naman yung logic behind the questions :) ang akin lang, sana may tanong din sila like " have you engaged in sexual activities with multiple partners" hahaha
May nabasa ako... pwede mo silang kasuhan. Pwede natin pagkakitaan ito. Discrimination Case. :D
@salbehe: talaga? enge akong link! hahaha :D kelangan ko ng pera e :)
Post a Comment