first week: boracay vacation. pangalan pa lang, gastos na kaagad, daba
second week: panahon ng mga christmas parties. christmas party with friends, with officemates, at kung sino sino pang gusto mong hingan ng regalo. siyempre hindi naman yata pwedeng humingi ka lang at hindi ka magbibigay. kapal naman daw yata ng mukha ko nun!
third week: panahon ng last minute christmas shopping. eto ang climax ng robbery sa mga wallet ng mga kaibigan at mahal sa buhay. isama mo na dito ang mga walang utang na loob mong mga inaanak na hindi mo kamag-anak at naaalala lang magmano sa iyo kapag kailangan na nilang humingi ng regalo.
fourth week: linggo ng pasko. siyempre inuman galore yan with relatives. or with friends after ng noche buena. alanganamang tubig ang inumin niyo. haler! matulog na lang kayo kung ganun.
fifth week: yes people, may fifth week ang december this year, at ang pagkakagastusan mo ay (sana) isa sa dalawang bagay: pangbili ng pang medya noche at paputok bilang pagsalubong sa bagong taon, o kaya naman panggastos sa ospital kapag naputukan ka ng mga defective na paputok. nako, iwasan natin yan.
ayan, pagpasok ng 2010, para ka lang walang christmas bonus na natanggap. balik sa dating siste ng pagtatrabaho para kumita ng pera. hayks, sana lang mabago ko tong ugali kong to. anyways, enjoy naman ang pasko ko. nakakuha ako ng lighter, isang tshirt, cargo shorts (na medyo baggy, pero sino naman ako para magreklamo, diba), isang cute na pouch bag, at sandamakmak na maraming salamat. nakakataba ng pusong malaman na ang mga binili mong regalo para sa kanila ay sobrang naappreciate nila. magaling pala ako mamili ng regalo, orayt!
what a month this is. but it was soooo worth it! ay, sorry napaconya ako, hehe. belated merry christmas and an advance prosperous new year!
1 comments:
Happy New Year! panahon nang bumawi sa gastos at lamon! hehehe
Post a Comment