maraming nahuhumaling ngayon sa gym. lalaki, babae, bakla, matanda, bata. mukhang sumasagi na sa utak nila na kailangan na rin nilang lumandi, este, magpapayat o magpalaki ng katawan. nauuso ang healthy lifestyle. oo tingin ko ito ay nauuso lamang na tulad ng damit ay kapag hindi na uso, ay mababaon na rin sa limot hanggang sa mauso ito ulit.
at siyempre dahil feelingera ako, nakiuso na ko.
nagsimula ito nang sabihan akong slightly overweight ng doktor matapos ang aking APE sa opisina. nakakalokang isipin na lumagpas na ko sa dapat na timbang. sa sobrang pagkaloka, humingi ako ng second opinion sa internet tungkol sa normal BMI. pero dahil nga reliable ang internet, nagdesisyon na ako na mag-enroll sa gym.
matapos ang ilang buwan ng paghihintay, nagsimula akong mag-workout noong nakaraang huwebes. sa sobrang excitement, napabili ako ng training shoes dahil wala ako nun at mukhang masisira lang ang chucks ko kapag yun ang ginamit ko. dalawang araw akong puro carbo, este, cardio sa gym dahil hindi pa daw ako nagawan ng program para sa weight loss. fine fine, pero sa isip isp ko, tangina lang, sana naglakad na lang ako mula alabang hanggang biƱan kesa mag gym kung puro treadmill at cross trainer lang ang gagawin ko di ba. but then again, naisip kong dudumi kaagad ang bagong biling sapatos, kaya pagtyagaan na lang muna ang gym. oo na, yun ang nasa isip ko. tamad kasi akong maglaba ng rubber shoes.
kahapon ang ikatlong session ko. narinig yata nila ang mga hinaing ko kaya nabigay na sa akin ang program ko. 30 minutes cardio, at body workout exercises na hindi ko natandaan sa dami. lahat tig 2 set ng 15 reps per exercise. pwera lang sa abs exercises. 3 sets ng tig 25 reps. punyeta diba. garapalang sinasabi sakin ng program ko na malaki na nga talaga ang tiyan ko. pero sige pagbigyan.
anong chismis sa gym ngayon? maraming nagsasabing may mga tao dun na nagpuputa, este nagpupunta para lumandi at maghanap ng chorna. alam kong kalat na balita na ito. at dahil nasa gym na rin naman ako ngayon, gusto ko itong iconfirm. wag kayong mag-alala. babalitaan ko kayo kapag may lumandi na sa akin. sa ngayon, magpapakita muna ako ng motibo, este, magpapayat pala.
Tuesday, October 27, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Overweight!!! HAhahah! Lahat yata ng resulta dyan ay overweight. Parang kakunchaba ang mga gym at diet supplements. :D
Hihintayin ko ang mga chikang gym mo. Yieee.
hay nako salbe, hindi naman lahat, kasi si deo, ok yung weight. pero mantakin mong si rico, obese? nyet diba! hahaha
abangan ang chismisan sa lockers sa gym! mukhang may ibblog ako tungkol dun soon! hahahahaha
Si Rico matagal ng obese! :D
Post a Comment