napaisip ako ng bagong isusulat. bagay na hindi ko ginagawa noong nakaraang mga linggo. at habang nagrereply ako sa mga kausap ko sa plurk. lumabas ang usapan tungkol sa isang grupong nakilala ko simula ng nawalan ng balat ang ibabaw ng pututoy ko.
napaisip ako ng bagong isusulat. bagay na hindi ko ginagawa noong nakaraang mga linggo. at habang nagrereply ako sa mga kausap ko sa plurk. lumabas ang usapan tungkol sa isang grupong nakilala ko simula ng nawalan ng balat ang ibabaw ng pututoy ko.
oo, kilala niyo rin sila. si red 1, green 2, blue 3, yellow 4, at pink 5... BIOTEAM FIGHT... BIOMAN! sabay pose sa camera.
nahumaling ako sa kanila simula ng makita ko kung paano sila magtransform. iniimagine ko pa na may kapangyarihan din ako na magpalit anyo, at sumali sa pakikipaglaban sa mga halimaw, habang nakasuot ng damit na hapit ang kapit sa brief, este, sa buong katawan, at habang nakasuot ng helmet na tinted para hindi nila ako makilala.
ngayon ko lang napagnilayan na may mga tanong pala ako sa isip ko na hanggang ngayon ay hindi nasagot. marahil dahil hindi ko na siya sinubukang alamin, o baka dahil sa ang nasa isip ko ay kung paano ko sasagutin ang assignment ko sa chemistry, math at hekasi.
una, bakit kailangang pula ang kulay ng lider ng mga fighting group? sa power rangers, si red yung lider, sa bioman, si red 1 ang lider. sa voltes V, si steve naka pula din.
pangalawa, parang wala silang creativity sa color selection. lahat halos pare-pareho ng kulay ng damit. puro red, blue, green/black, yellow at pink ang ginagamit. sa power rangers lang ako nakakita ng white, and gold, pero guest appearance lang, kainis. hindi ba pwedeng gumamit sila ng orange, violet, brown, turquoise, fuschia, o kaya amber? pambata rin naman yung kulay na yun diba?
pangatlo, kailangan ba palaging may love team? at palaging yung red at pink? tsssss, tapos minsan pa, eeksena sa love team si blue, kaya love triangle na! may tension pa sa team kaya minsan nabubugbog yung robot nila kasi hindi buo yung teamwork.
pang-apat, andami-dami nilang gamit na armas para talunin yung kalaban, pero isang sandata lang naman yung nakakapatay dun sa malaking halimaw. sa bioman at voltes V, yung espada. kay daimos yung kamay na magaling humiwa. bakit kailangan pa yung ibang armas? pampabigat lang yun sa robot, sayang pa sa energy, diba?
sayang ang pose natin girl, hindi naman natin siya mapapatay
pang-lima, bakit hindi atakihin ng halimaw yung robot habang nagdidikit dikit sila para mabuo yung malaking robot? diba advantageous pa yun sa robot kasi hindi sila makakapagtransfrom kaya mahihirapan yung mga bida na talunin siya? kung masama talaga ang halimaw na yun, edi sana ginulangan na lang niya yung mga bida. panalo pa sila. o baka naman kasi bobo yung halimaw kaya hindi niya naisip yun.
at huli, bakit kailangan yung mga masasamang loob, gustong gustong sakupin ang mundo natin? at lagi silang sa japan napapadpad? japan lang ba yung bansa sa earth? hello! may amerika pa noh, sila kaya talunin muna nila, para pag talo na sila, talo na rin lahat. sila daw number one e. unless parang miss universe ito na may ganitong eksena: "if the reigning ms universe is not able to fulfill her duties and responsibilities, the first runner up will take her place". i thank you. bow.
sa mga nais sumagot ng mga kasagutan ko, salamat. magiwan na lang ng comment sa baba. sa mga walang sagot sa mga tanong ko, sige isip na lang kayo ng ibang tanong. sa mga nakiusyoso lang, salamat din. makichismis kayo ulit.