Monday, November 2, 2009

kwentong undas


so bumisita kami sa mga pinsan ko noong undas. dumalaw sa puntod ng mga yumaong kamag-anak. naglasing sa isang bar kahit na pinapagalitan na kami dahil hinayaan naming umuwi yung mga pudra naming basag na sa kalasingan. lumafang ng sandamakmak na inihaw na liempo, manok at  bbq, pancit canton, at kung ano-anong pulutan. nagtirik ng kandila. nag-alay ng bulaklak. at ginawang photo shoot ang sementeryo sa dami ng kinuhang litrato. ito ang ilan sa kanila.






ang dinalaw na puntod

ang mga dumalaw sa puntod


ang emo


ok, balik na ulit ako sa pagsusulat ko ng bagong chismis.



da where ang memorial park na ito na may fireworks noong november 1? ang kwento, nanggaling ang pamilya namin sa nachichismis na memorial park na ito ng mga alas-singko ng hapon para bisitahin ang puntod ng lolo ko. nagpa-abot kami ng gabi para magyabang ng mga lollipop na may glow in the dark epek sa stick. kaso nga lang nakita naming may ibang mga taong may ganun din ang sinusupsop. anyways, by the ways, highways, may dumating na chismis sa tita ko mula sa kakilala niya sa nasabing sementeryo na may fireworks daw ng ala-siyete. natuwa kami dahil para lang kaming namasyal sa enchanted kingdom. dumating ang alas-siyete. at eto ang putukang nakita namin:










da where ang memorial park na ito? clue: mataas ang lugar na ito dahil nasa bundok-bundukan ito. ang namesung ng sementeryong ito ay itatago natin sa alyas na 'guard-en-off-get-some-money'. obvious na ba? yun na!

babu na ang da where :D

ps: wala akong sama ng loob sa sementeryong ito. natuwa lang talaga ako dahil may ganung gimik sila na hindi ko pa naeexperience. kaya kung gusto niyo sigurong makakita ng putukan habang nagtatakutan kayo, magpalibing na lang kayo ng kaaway niyo dito.:D


5 comments:

Anonymous said...

ASTIIIIG~

migs, the manila gay guy said...

panalo ang chisms! da where! thanks papa karl for gracing my site too. *hugs*

papa karl said...

@yobu: ikr! hahaha, bagong gimik yun

@mgg: thank you very much for visiting my site! you don't know how much your comment made my day. i hope you visit my site again. and, i quote you on this, "world peace!". thanks thanks ulit!

charminglyjha said...

soooo nice da where.. hahahaha.. masaya tong araw na toh. see you again sa nov7, sat. bday ni abuuu..♥ lalab.. babu na da where!!!!

papa karl said...

awwww mamy jha! :) welcome to my blogsite :)

i'll see you tomorrow :)

Post a Comment

 
Web Site Hit Counters
Web Site Hit Counter