eto ang itsura ng bagong planner nila
litrato galing sa opismate ko na nakuha lang din niya sa isang blog
tama mga kachismis, 3 ulit ang design ng bagong planner nila para sa susunod na taon. sa sariling opinyon, mas maganda ng di hamak ang disenyo ngayon kumpara sa nakaraang taon. siguro kasi hindi ako fanatic ng kahoy na cover ng notebook. at hindi tulad last year na ang pinagkaiba ng mga disenyo ay ang kulay lamang ng cover, ngayon ay ineffortan nila na maging iba iba ang itsura ng harap at likod ng planner. may epek epek pa sa texture ng notebook. may parang velvety na madaling madumihan kapag laging nilaladlad sa publiko, at meron namang hindi ko mawari ang texture. pero masarap idausdos ang mga daliri sa balat nito. pasensya na kung malaswang pakinggan. pero totoo naman kasing hindi ko siya maexplain. hipuin niyo na lang pag napadpad kayo sa mga branches nila.
at ngayon, isa sa mga nakakatuwang regalo ng coffee shop na ito, ay kaunti lamang ang stickers na kailangang ipunin para masungkit ang susunod na kahuhumalingang planner. 9 na sticker para sa kanilang tinatawag na "holiday-featured beverage" at 8 kahit anong inumin nila doon, pwera lamang sa mineral water, bottled beverage at fruit juices. hindi katulad ng mga nakaraang taon na inabot ng 30 sticker mahigit, mas magaan sa bulsa para makakuha nito. o diba bongga?
at sabi nga sa home tv shopping, "but wait! there's more!". ayon sa kaopisina ko, ang unang 150 customers na kukuha ng sticker card nila at oorder ng mga "holiday-featured beverage" nila ay makakakuha ng isang libreng sticker sa card, bukod sa makukuha nila para sa kanilang inumin! kaloka!
ayun, fly ako bigla sa branch nila sa isang mall sa makati. at kasama ang isang kaibigang itatago ko sa alyas na "belated happy birthday to you" (BHBTY), nilibre ko siya ng kanyang pinaglilihihang, este, kine-crave na chessecake. may bago silang variant na creme brulee cheesecake kaya yun ang inorder ko. para sa akin naman, sinubukan ko ang "best-seller" daw nila na toffee nut frappuccino, at si BHBTY naman ay sinubukan ang hot toffee nut latte.
nang nagbayad kami, tuwang tuwa kami nang malaman namin na ang sticker card namin ay meron pang isang free sticker!
yung free sticker yung white square sa lower right, aylabet
aylabet very much! gabi na kasi nun at hindi kami umaasang maaabutan namin ang promong iyon, lalo na at maraming kumakape sa makati. mukhang kakaririn ko ang pagpapadikit ng mga stickers ngayong taon! hahaha
hindi ko na kailangang i-blind item ang nasabing coffee shop dahil feeling ko alam na alam niyo na to. kaya sa mga taong ok lang gumastos sa kape, pero hindi naman mahilig ayusin ang schedule nila sa papel, lumapit lang kayo sa akin at magpapadikit ako ng sticker pag bumili kayo dun! sige na, pakape ka naman! hahahaha