unang hirit: sabado. unang beerday, este birthday, ng pamangkin ko. espesyal to dahil nga unang celebration niya ito bilang ganap na nilalang na nuknukan ng kakyutan. at siya ang unang batang tinulungan kong iluwal. mahaba habang istorya, andito ang link kung gusto niyong basahin ang drama ko noon.
binilhan ko siya ng regalo. hati kami ng pinsan ko sa bayad dahil hindi na niya maisingit sa schedule niya ang pamimili ng regalo. walang kaso. natuwa pa nga ako dahil may kahati ako sa bayad hehe. pero tulad ng isang taong taos-pusong nagbibigay ng regalo, hindi presyo ang importante. tutal, hindi pa naman nagegets ng bata ang presyo ng mga bagay bagay e. natawa lang ako dahil sa naganap na eksena sa toy store. ang presyo ng regalong nakita namin ay ****.**. nagtataka ako dahil por de perstaym, hindi umapila sa korte suprema ang aking madam mother. akala ko credit card kasi ang pinambayad kaya ok lang. nang matapos na naming ipabalot ang regalo:
madam mother (MM): anak, bili pa ko ng sando para kay abu
me: wow, may pambili si mama
MM: ok lang wala naman kasing isang libo yung regalo niyo ni _____
me: ha? e ****.** kaya to?!
MM: ha? patingin nga ng presyo! sigurado ka? akala ko _***.** lang!
me: kasi naman ma hindi niyo dinala yung salamin niyo. kaya pala hindi kayo umapila nung binabayaran ko na. hahahaha
MM: wag na pala tayo bumili ng sando. sama mo na lang kami sa card
lol. nakakatuwang isiping kayang piliin ng nanay ko ang mga numerong nakikita niya sa price tag. special talent niya kasi yun. pero paminsanan lang naman
ikalawang hirit: sabado pa rin. sa birthday party ng pamangkin ko. natuwa ako na maraming dumating. at maraming pagkain. at syempre, dahil nasa dugo namin ang pagiging lapitin ng kamera, maraming litrato.
ang birthday celebrant. hankyut niyan sumayaw ng nobody ng wonder girls!
oha? niece kong si hailee. vavavoom pumose! lmao
sabi ko nga, vanity runs in the blood
peksman, hindi kami nag-usap na bayolet ang damit. totoo yun.
huling hirit: sabado ulit, matapos ang party at nasa mall na kami sa makati bitbit-bitbit ang lola naming itago na lang natin sa alyas na queen elizabeth. dumerecho kami sa bilihan ng christmas tree sa nasabing mall. pinakita ko na kay MM, QE at mga kapatid ko ang balak kong bilhing puno para sa bahay. idodonate kasi namin yung luma naming christmas tree sa pinsan kong nasalanta ng bagyo. pang-inspire baga para din makatulong sa kanila na magkaron ng pag-asa lalo na't magpapasko. bumili din kami syempre ng mga abubot na isasabit sa puno: mga christmas balls na iba iba ang laki at disenyo; mga poisenttiang allergic sa glitters sa dami; at ilang bungkos ng pailaw sa puno. halos nanghina ako nang malaman ko ang inabot ng lahat ng bibilhin ko. yan kasi, feeling mayaman e. hindi naman. anyways, wala na akong choice, impulsive kasi ako, kaya binili ko na rin. nagdagdag din pala kami ng ilalagay sa center table sa bahay.
pag-uwi namin sa bahay, hindi na ako makapaghintay na iset-up siya. kesehodang gustong gusto na ng katawan kong manas pa sa gym na matulog na lang sa pagod mula sa biyahe. kumain ng konting hapunan, tapos derecho sa pagbulatlat ng mga supot (read: plastic, wag maging bastos). sinabitan ang mga nagtatalbugang balls, tinusukan ng mga bulaklak at dahon na makikintab.
at matapos ang ilan pang oras ng paghihimas...sa mga dahon, hihi, para tumuwid ang tayo...ng puno, hihi, ito ang kinalabasan
ayos ba? hehehe
ayun, matapos kunan ng picture, borlogs ang lolo mo.
beauty rest muna ulit sa pagtipak ng keyboard. bukas ulit.