Sunday, August 16, 2009

First time niyo po?… medyo masakit po a

Ok, fine. Lumandi ako. Hindi ko na kasi matiis ang urge eh.




Nangyari to nung sabado lang. Nasa mall ako. Walang magawa sa mall habang hinihintay ang kapatid kong galing sa kanyang ojt sa isang hotel.



Tapos nakita ko siya. Tinitigan ng malagkit. Inusisa ang kanyang kabuuan. Iniwasan ko siya dahil mapapagastos ako ng wala sa oras. Alam kong pera ang kelangan niya sa akin. Pero sa loob kong alam kong kelangan ko siya.



Naglibot pa ako ulit, umaasang makakalimutan ko siya. Pero hindi yun nangyari. Hindi ko kinaya ang lakas ng appeal niya sa akin. At alam ko kasing matagal ko na rin tong dapat na ginawa. Matanda naman na ako, at may sarili nang perang kinikita.



Binalikan ko ang lugar kung saan ko siya nakita. Muli ko siyang tinignan. Bumigay ako. Hindi ko siya natiis.



Pumasok ako sa isang kwarto. Pinahiga niya ako at pinapikit.



"First time niyo po?"



"Oo." sagot ko.



"Ok lang po. Pero medyo masakit po to a".



"Ok lang." sumagot ako nang may kaba.



Natapos ang halos isang oras. Natapos din. Nagbayad ako at umalis. Namumula pa ang mukha ko sa sakit at sarap na naranasan. Ngayon ko lang nalaman na masakit pala magpafacial, pero masarap pala magpa footspa.



Iba ang nasa isip niyo. Nararamdaman ko hahaha :D

2 comments:

Pink Palaka said...

papa karl ikaw ba ung nasa picture sa taas? if so, all i can say, me pagkakahawig tau, from kilay to ilong to labi, siguro pati tenga magkasinlaki tau...im sure ung braso magkasinsukat din, 5'4 medium built.

papa karl said...

hi Pink Palaka. yes, ako nga po yan, gusto ko makita pic mo nang matimbang natin kung magkamukha nga tayo. and i am 5'6". :)

Post a Comment

 
Web Site Hit Counters
Web Site Hit Counter