Sunday, May 10, 2009

memoirs of caramoan

i must say the weather sucked that time. Thanks to Crising, Dante, and then new-born typhoon Emong, you just made our planned itineraries a mess, and yet here i am four days later, still reminiscing every single bit of that (mis)adventure.

 

for those who can relate to this post, i know you'll be reminiscing the same way as i am while writing this. so here goes. idiot's guide to caramoan adventure slang :)

 

famous places:

 >sabang - pier kung saan sumakay ng bangka papuntang caramoan. dito naiwan ang ilan sa mga OAs at ibang participants dahil hindi kasya sa bangka. dalawa sa tatlong bangka lang kasi ang dumating. hindi na pipnayagan sumunod ang mga naiwan dahil sa lakas ng bagyo. ayos lang, enjoy naman daw sila sa CWC

 >parlor room - isa sa dalawang kwarto sa bahay ni kagawad. dito makikita ang isang tumpok ng mga babae na pwedeng magmanicure at pedicure sa inyo habang nagpapalipas ng oras o pagkatapos maglakwatsa sa labas habang hinahampas ng ulan at hangin. parlor room sa umaga, inuman/tulugan sa gabi

 >reggae room - ang kusina sa bahay ni kagawad. dito nagluluto ang mga OAs (outdoor addicts). dito rin sila bumoborlog, tumatambay at lumalaps (ulitin ng n/2 times dahil mas madalas gawin ang tatlong bagay na nabanggit ng mga panickees kesa sa mga OAs hahaha). lugar ng sangakterbang mga SOCO sa mga litrato. dito madalas magsama sama ang mga OAs at panickees para uminom. lugar kung saan madalas maririnig ang mga kanta ni bob marley kaya nagkaroon ng ganitong titulo ang lugar na ito. nakakatuwang isipin na may dalawang duyan na pwedeng isabit dito para tulugan ng ibang OAs. naging hip hop room noong linggo nang naunang nakatulog ang karamihan sa mga OAs at naiwan ang mga panickees at ilang miyembro ng parlor room, kung kaya't ang napapatugtog ay mga pang embassy.

 >panic room - ang ikalawa sa mga kwarto sa bahay ni kagawad. doon lumalaps, bumoborlog, tumatambay, lumalaps, bumoborlog, tumatambay (ulitin ng n times) ang mga panickees. lugar na pinagdausan ng sandamakmak na inuman ng mga panickees at ilang miyembro ng OAs. lugar din ng sandamakmak na SOCO sa mga litrato. sa liit nito, nakakatuwang isipin na kasya ang pitong tao dito para matulog.

 >the bar - isang munting kubo na nagtitinda ng inumin sa caramoan. nasa tapat nito ang dagat na walang sawang humahampas ang mga alon sa dalampasigan noong panahon ng bagyo. lugar kung saan ginanap ang grand socials kung saan namigay ng special awards, raffle prizes, at tagay na gin na ang chaser ay maligamgam na tubig dahil walang tindang yelo sa establishimentong ito. lugar kung saan nagpakitang - gilas ang mga magaling kumanta o/at tumugtog ng gitara, tambol at shaker na gawa sa bote ng mineral water na may lamang mga batong maliliit. lugar kung saan hinintay ang mga bangka pabalik ng sabang port.

 >survivor site - tawag sa mga lugar kung saan kinunan ang ilan sa mga challenges ng survivor france/israel. makikitang nakatiwangwang ang mga ginawang pool, hagdan at iba pang platform ng nasabing palabas. sa kasamaang palad, sa lakas  ng ulan ay hindi napuntahan ang tinatawag nilang "tribal council".

 >paniman beach - lugar kung saan ginanap ang fun games. kahit malakas ang palo ng alon, hampas ng hangin, at patak ng ulan, hindi nagpapigil ang mga nagsipunta na karirin ang mga larong inihandog ng mga OAs

 >matukad at lahos islands - maliit na mga isla kung saan sandamukal na vanity shots, group shots, at jump shots ang ginawa ng mag nag-island hopping. maputi ang buhangin dito, ang texture ay kapareho sa buhangin ng boracay, ayon sa mga taong nakapunta na sa bora. maganda ang rock formations dito. malinaw ang asul na tubig. perfect!

 >panic boat - lumang bangkang hindi na ginagamit na nakapuwesto sa tabi ng the bar. ginawang tambayan ng mga panickees habang nag-iinom at naglalaps dahil hinihintay ang bangkang maghahatid pabalik ng sabang.

 

famous characters:

 >kagawad - taguri sa taong nagpatuloy sa karamihan sa mga participants sa caramoan. kung hindi sa kanya at sa pamilya niya, basang sisiw siguro labas namin dun. may sakit pa pagbalik dito.

 >outdoor addicts (OAs) - grupo ng mga taong mahilig mag-hike, mag out of town, at tagasilbi sa mga nais sumama sa kanila mga adventures. kung hindi dahil sa kanila, malamang sa malamang gutom pa rin kami hanggang ngayon, at nagkaron na kami ng mga muscles sa braso kakaigib ng tubig sa balon. hindi rin siguro malalasing ang ibang tao jan (hahaha) kung hindi dahil sa impluwensiya nila hahahaha.

 >panickees - grupo ng mga taong nagkakilala sa panic room. Mga taong walang ibang ginawa kundi tumambay, mag laaaapppssss, bumorlog, uminom, magptikyuran, tumawa, sumubo (hahaha), magparty/mag reggae reggae, etc.

 >survivor - grupo ng mga foreigner na mukhang galing sa survivor site. akala ng lahat sila ang mga kalahok sa nasabing reality show kaya nagpakuha ng litrato kasama sila. yun pala, mga staff lang yata sila at occular inspection pa lang ang ginagawa para sa bagong survivor series sa caramoan. ayos

 >pula at puti - dalawa sa mga uri ng inuming nilaklak ng karamihan sa caramoan. ang pula ay ang fundador/matador, habang ang puti naman ay gin. sikat na chaser sa dalawang inumin na ito ay tubig o soda

 >soda - softdrinks. isa sa mga chaser ng pula at puti. maaari ding inumin ng walang alak kapag oras ng laps. at walang yelo.

 

memorable moments:

 >stop over - ginagawa para makaraos ang pantog, o para makalaaaappppssss, o makapagyosi. hindi naman kasi tamang gawin ang mga bagay na ito sa loob ng bus :D

 >island hopping - ang naudlot na activity dahil sa bagyo na tinuloy habang naghihintay sa mga bangka na magdadala sa amin pabalik ng sabang. daming piktyuran! daming memories. may video pa!

 >grand socials - ang dapat sana ay culminating activity ng trip, kung hindi kami nastranded ng isang araw. awarding of special titles, pa raffle ng iba-ibang gamit, at inuman ng pula, puti at beer. performance night din ng ilan sa mga magaling kumanta, tumugtog ng gitara at tambol na pang-reggae.

 >laaaappppssss - ang tinuturing na main acativity ng mga panickees bukod sa socials at inuman sa panic room. isang taguri sa pagkain, paglamon. ginagawa pagkagising sa umaga, habang nakukuwentuhan sa panic room, sa tanghali, sa hapon, sa socials, sa inuman sa panic room/reggae room/kusina/parlor room, habang nanunuod ng laban ni pacquiao at hatton, habang nag-aabang ng balita kung kelan aalis ang bagyo sa caramoan, habang hinihintay ang bangka sa the bar. ang konti noh? kaya siya tinawag na main event, kasi palaging ginagawa

 >reggae reggae - tawag sa pagparty sa tugtog ng reggae music sa reggae room/kusina. ginawa pagkatapos maging lasing ng karamihan sa mga OAs at panickees

 >SOCO - Scene Of the Crime Operatives. tawag sa mga kuha sa mga camera ng mga tao na mahalay, masagwa, o kaya naman ay nakakaloka, nakakawindang, o sadyang nakakatawa. madalas ang mga kuhang ito ay sa panic room at sa reggae room. bakit? dahil doon madalas lasing ang mga tao ;)

 

 

there, that's a lot of memories. anything else i missed? oh! i know! i missed you guys! let's camp again!

 
Web Site Hit Counters
Web Site Hit Counter