Tuesday, October 28, 2008

i just wanna rant. sorry

una sa lahat, this post is not my usual self. thus, this is not my usual post. and im sorry if may hurt some people along the way. i just need to blow this shit off my system.

i received a message from my mom asking me to lend her money. wala na daw kasing panggastos sa bahay. that's fine. im starting getting used to that message. 

until i called our house. since wala akong load to reply tom her, i decided to call her na lang using my extension sa office.

she was shocked when i called the house after her message. im not usually calling them after i received those kinds of messages. i just reply ok. then, i heard her voice. she was like she was just finished crying. i asked her kung meron siyang sipon or something. then she broke out. she cried over the phone to me. i was alarmed by what happened. when she told me about the financial support she asked from me, it meant pala na the family badly needed it. as in now na. wala na daw pambili ng pagkain for dinner until tomorrow. she was crying and apologizing to me that time, saying na wala na daw magagawa si dad for the household expenditures that day. i was totally shocked by this line. how come did that happen? we are both working. we both have our salaries to spend with. and his was way larger than mine. how on earth did that happen!? pakshet. ganun na ba talaga kadami ang utang ng family namin?! shet. pakshet. sprakinangshet. pota. bakit nagkaganun! punyeta talaga.

now my family faces another financial  obstacle. my sister who's in third year will be enrolling in a few days. and yes, as usual, hanggang ngayon, walang pera ang dad ko to support my sister. kamusta naman yun! kulang ang sweldo ko to provide her tuition fees. grabe talaga1 kakairita! at eto kami ng mom ko, walang magawa para matulungan ang kapatid ko! leche talaga! puntangina talaga! POTA! anong gagawin ko

to my dad: 
wala kayong karapatan na sabihin samin na wala kayong mabigay na pera. kayo ang provider ng family. with the earning i have right now, kulang akong back-up plan para humilata kayo sa sofa everytime umuuwi kayo at walang dalang pera para sa pamilya natin. at pwede ba, utang na loob, wala kang karapatang magpaiyak ng asawa mo! nakita mo ba itsura ni mommy kagabi? how dare you lie down and ask kris to give you your daily foot massage kung hindi mo siya mabibigyan ng pantustos sa pag-aaral niya! ang kapal ng mukha mo! gusto kitang murahin, pero hindi ko yun gagawin dahil ginapang mo kaming magkakapatid sa education namin. pero naman dad! hindi porket may trabaho na ako, e pwede ka nang magpaka-petik diyan at humilata kung saan saan kapag pagod ka na! wake up dad! you still hvae two other children in school, at hindi nakakatuwang isipin na merong isa sa kanilang dalawa na titigil dahil hindi mo na kayang magprovide!

alam mo ba kung anong pinapamukha mo sakin ngayon? pinagmumukha mo akong isang walang kwentang anak na hindi makatulong sa pamilyang binuo niyo ni mommy! and honestly, it's not a good feeling. may kasalanan ba akong ginawa sa yo? o baka naman kaming lahat sa pamilya may ginawa sa yon na hindi mo nagustuhan? baka naman pwede mong sabihin sa amin nang magkalinawan na! daig mo pa ako magkubli ng sikreto e! para kang bakla! hindi bading dad. bakla. ayusin niyo buhay niyo! kung may problema kayo, baka naman pwedeng wag niyo kaming idamay kung balak niyo namang itago sa amin yun! nakakairita e. tapos mas gusto niyo pa na si mama ang magsabi sa akin ng problema natin? bakit! dahil ba mas close ako sa kanya kesa sayo? well, tingin mo ba wala kang ginawa para mangyari yun? o baka naman kasi nahihiya ka sa akin magsabi? kung pwede lang namin kainin yang pride mo, edi sana wala na tayong problema! e kaso hindi e! hindi namin makakain yang pride mong yan! makolesterol yang pride na yan! nakakahigh-blood! nakaka-stroke! nakakamatay! nakakamatay sa gutom!

isang beses pa na malalaman kong umiyak si mommy dahil sa kakulangan ng pera sa pamilya, hindi na talaga ako mahihiyang kausapin kayo. matagal ko nang gustong kausapin kayo, pero lagi akong pinipigilan ni mommy. kesyo daw iisipin niyo na lumaki na ulo ko at nakakaya ko na kayong sagutin ng ganun ganun na lang. then don't let me use up all my patience daddy, dahil maski ako, hindi ko magugustuhan ang masasabi ko sa inyo. kaya please, utang na loob, wag niyong sirain ang kinabukasan ng mga kapatid ko, lalong lalo na ang pamilyang ilang taon niyo nang ginagapang. 

mahal ko kayo daddy kaya ko ito gustong gawin. dahil matagal na naming napapansin ni mommy na baluktot na baluktot na ang inyong pananaw. maling mali ang inyong prinsipyo. hindi pang-ama ng tahanan, kundi pang single na lalaking naghahanap pa lang ng aasawahin. idilat niyo ang mga mata ninyo sa kalagayan ng family natin! hindi na ito nakakatuwa. at mukha namang seryoso ako di ba? ngayon lang ako magiging hindi palabiro. ang plastik ko sa inyo. inaamin ko, pero dahil napipilitan lang ako dahil sa kahilingan ni mommy na siya na lang ang bahala sa inyo. pero by the looks of it, mukhang kelangan ko na yatang pumasok talaga sa eksena. please don't let that happen.

to my mom:
kaya natin to. and please, let me interfere the moment you cried again because of this.i hate seeing you crying, be it over the phone or in front of me. you don't know the impact of your tears on me. it hurts hearing your sobs of a mother in pain simply because she has no way to overcome these kinds of problems dahil hindi kayo pinayagan ni dad na maghanap ng work abroad or magtayo ng tindahan sa bahay para lang magkaron ng paghuhugutan kapag may ganitong klaseng sitwasyong dumadating. makakaraos din tayo. continue praying for our family. keep your spirits up for us. kayo ang tinitingala naming magkakapatid. kayo ang sandalan namin. wag kayong bibigay. we love you.

to kris and karen (my sisters):
pagbutihan ninyo ang inyong education. continue striving for excellence. yan lang ang tangi niyong magagawa sa ngayon. make our parents proud. don't ever let them down. show them na worth it ang pinaghirapan nila. huwag na muna kayong sumali sa gulo by asking them na may lakad kayo, may gimik kung saan man, dahil utang na loob, WALA TAYONG PERA! at hindi nakakamatay ang tumanggi sa mga ganyang uri ng lakad. hindi niyo yun kawalan. sa akin kayo makakatikim kapag umangal kayo. yes, this time, i will exercise my right as your eldest sibling. konting tiis pa. hindi lang kayo ang nahihirapan sa ngayon, and i hope nakikita niyo yan.





ayan. tapos na ang rant.

1 comments:

Unknown said...

hay...ang bigat pala ng problema nyo..and nasa yo pala ang pressure.dont worry in a few years time,mababayaran nyo na din lahat ng utang ng family nyo..hanga ako sa yo karl!basta!kaya mo yan!hehehe. =)
-kuya jasper

Post a Comment

 
Web Site Hit Counters
Web Site Hit Counter